Davao Oriental at Davao Occidental, niyanig ng lindol

Niyanig ng lindol ang Davao Oriental at Davao Occidental, Biyernes ng madaling araw.

Unang naitala ang pagyanig na may lakas na magnitude 4.3 ala 1:46 ng madaling araw sa Davao Occidental.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 396 kilometro silangan ng lalawigan ng Sarangani.

May lalim ang pagyanig na 15 kilometro.

Alas 3:02 naman ng maitala ang magnitude 3.4 na lindol sa Davao Oriental.

Naitala ang episentro ng pagyanig sa layong 80 kilometro silangan ng bayan ng Manay.

Kapwa tectonic ang dahilan ng magkahiwalay na pagyanig at hindi naman naitala ang aftershocks.

Hindi rin inaasahan ang pagkasira sa mga ari-arian.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...