Mahigit 330,000 na pasahero naserbisyuhan ng MRT-3 kahapon

Umabot sa mahigit 330,000 na mga pasahero ang naserbisyuhan ng MRT-3 sa biyahe nito kahapon.

Sa daily operations report ng MRT-3, mula nang magsimula hanggang sa matapos ang operasyon kahapon, umabot sa 333,036 na mga pasahero ang sumakay sa MRT.

Umabot naman sa 15 ang average na bilang ng mga tren na bumiyahe sa maghapon pero nakapagdeploy din ng hanggang 17 tren sa kasagsagan ng rush hour.

Wala ring naitalang kaso ng pagpapababa ng mga pasahero at hindi rin kinailangang magtalaga ng skipping train dahil walang naitalang mahabang pila sa mga istasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...