14 na preso nawawala matapos ang sunog sa bilangguan sa Leyte

abuyog leyteTinupok ng apoy ang Eastern Visayas penal colony sa bayan ng Abuyog sa Leyte.

Nagsimula ang sunog alas 3:45 ng hapon kahapon, at alas 11:00 na kagabi ay hindi pa tuluyang naapula ang apoy.

Ayon kay Abuyog Deputy Fire Chief Junrey Ong, may mga nasawi sa nasabing sunog pero hindi pa nila matukoy kung ilan hangga’t hindi napapasok ang natupok na bahagi ng maximum security building na mayroong siyam na selda.

Batay sa isinagawang head count, may labingapat na presong nawawala dahil sa nasabing sunog. Aalamin pa kung ang nasabing mga preso ay na-trap sa nasunog na selda o kaya ay nakatakas.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy sa nasabing gusali ng bilangguan.

Nagtalaga na rin ng mga pulis at sundalo sa penal colony.

Ang mga preso na nakakulong sa maximum security ay inilipat muna sa medium security building.

Read more...