Sa kanyang talumpati sa pagbabalik ng bansa mula sa China at Hongkong, sinabi nito na kailangang wala kahit isang putok na mangyari na pakawalan ang komunistang grupo.
“Not a single shot fired” ani Duterte sa Davao International Airport.
Bukod sa pagkakaroon ng ceasefire nais din ng pangulo na ihinto na ng mga rebelde ang pangongolekta ng mga ito ng revolutionary tax.
Ang pahayag ay ginawa ng pangulo kasunod ng kanyang nauna nang sinabi na itutuloy ng pamahalaan ang usapang pangkapayaan sa pagitan ng CPP-NPA-NDF kung babalik sa negotiating table ang mga komunista at peace panel ng gobyerno sa loob ng animnapung araw.
Muling naunsyami ang peace talks sa pagitan ng dalawang panig noong Nobyembre ng nakalipas na taon matapos lagdaan ni Duterte ang
Proclamation No. 360 kung saan nakasaad na pormal na nitong tinatapos ang usapang pangkapayapaan.
Ito ay kasunod ng serye ng mga pag-atake ng NPA sa tropa ng pamahalaan.