Sakay ng Gulf Air Flight GF 154, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 60 na Pinoy workers.
Mula nang ipatupad ang deployment ban sa naturang bansa ay mahigit 4,000 OFWs na ang napapauwi sa bansa.
Target ng Department of Foreign Affairs na mapabalik ang 10,000 OFWs sa Pilipinas hanggang April 22 na deadline ng extension ng amnestiya ng Kuwaiti government.
Inaasahan naman na bago matapos ang buwan o hindi kaya ay bago magsimula ang Ramadan ng mga Muslim ay mapipirmahan na ang Memorandum of Understanding (MOU) na layong bigyang proteksyon ang OFWs sa naturang bansa.
MOST READ
LATEST STORIES