Parliament ng Sri Lanka sinuspinde

AP Photo

Sinuspinde ni Sri Lanka President Maithripala Sirisena ang parliament ng kanilang bansa.

Sa report ng Reuters, sinabi ng secretary ng Sri Lanka President na si Austin Fernando na tatagal ang suspensyon hanggang sa May 8 ng kasalukuyang taon.

Hindi naman nagbigay ng detalye pa ang opisyal sa pagsuspinde ng kanilang parliament.

Ang hakbang ay kasunod ng pangakong reshuffle sa gabinete matapos matalo ang no- confidence motion laban kay Prime Minister Ranil Wickremesinghe noong nakalipas na linggo.

Read more...