Dating Sen. Bongbong Marcos hindi tatakbo sa 2019 midterm elections

Nananatili ang pasya ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na hindi tumakbo sa pagka-sendor sa 2019 midterm election.

Ayon kay Marcos, ang kanyang kapatid na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang posibleng lumaban sa senatorial race.

Sinabi nito na ang kanyang plano ay ipagpatuloy lamang ang kanyang protesta sa kanyang naging laban kay Vice President Leni Robredo.

Paliwang nito, makakaapekto sa kanyang electoral protest laban kay Robredo kung tatakbo siya sa halalan dahil kailangan niyang isuko ang kanyang laban.

Bagama’t aminadong matagal ang proseso ng protesta determinado anya siya na tapusin ito hanggang sa dulo.

Noong April sinimulan na ng Presidential Electoral Tribunal ang recount sa mga boto nina Marcos at Robredo.

Si Marcos ay natalo sa botong 263,473 kay Robredo noong May 2016 elections.

Read more...