Sa ilalim ng Senate Bill No. 1777, nais ni Pimentel na amyendahan ang Section 11 ng RA 9007 o ang Fair Election Act na siyang naglilimita sa rates ng mga political propaganda.
Nakasaad sa panukala na dapat babaan ng 50% ang halaga ng political ads sa tv, 30% para sa radyo at 20% naman para sa print media kumpara sa pinakamababang halaga na ibinigay nila mula sa unang quarter ng nakalipas na dalawang taon bago ang eleksyon.
Sa kasalukuyan, ang mga registered political parties at mga kandidato ay nakakakuha ng 30% discount sa telebisyon, 20% sa radyo at 10% sa print mula sa average rates na ibinigay ng mga ito mula sa unang tatlong quarter ng taon bago ang halalan.
Sinabi ni Pimentel na base sa Section 26, Article II ng Saligang Batas nakasaad na kailangang garantiyahan ng estado ang ‘equal access’ sa serbisyo publiko.
Gayunman, marami anya ang kuwalipikado pero dahil sa kakulangan ng pinansyal na pangangailangan hindi sila makalaban ng sabayan sa pamamatan ng media dahil sa taas ng ‘rates’ ng political ads.