Crackdown sa mga “balimbing” sa Party-lists sa Kamara isinusulong

Target ng binuong sub-committee sa ilalim ng Consultative Committee na magsagawa ng ‘crackdown’ sa mga tinaguriang balimbing sa hanay ng mga party-list sa Kamara.

Ayon kay dating Supreme Court Associate Justice Antonio Nachura, ‘chairman ng sub-committee on structure of the government,’ kaagad bababa ang bilang nga mga balimbing mula sa party-list kapag naprubahan ang panukala.

Nakasaad anya sa kanilang panukala na ang mananalong political party ay siyang magtatalaga at mag-aalis ng kanilang mga nominadong mambabatas.

Paliwanag ng dating mahistrado na kapag lumipat ng political party ang kanilang ‘nominees’ maalis ang mga ito bilang miyembro ng Kamara dahil ang partido pulitikal ang naglagay sa kanila sa puwesto.

Kung nais anya ng kongresista na lumipat ng partido maari nitong hintayin na matapos ang kanyang termino o kaya naman ay aalisin siya bilang mambabatas.

Sa ilalim ng panukala ng binuong komisyon para sa pagpapalit ng Saligang Batas nakasaad sa ilalim ng ‘legislative branch’ na ang House of Representatives ay bubuuin ng mga kinatawan mula sa mga ‘legislative district, registered national, regional and sectoral parties’.

EXCERPT: Kung nais anya ng kongresista na lumipat ng partido maari nitong hintayin na matapos ang kanyang termino o kaya naman ay aalisin siya bilang mambabatas.

Read more...