Pangulong Duterte balik-bansa na; $9.5B investment iniuwi

Bumalik na ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang pagdalo sa Boao Forum sa China at pagbisita sa Hongkong.

Sa kanyang talumpati sa Davao International Airport ipinagmalaki nito ang $9.5 billion halaga ng investment agreement mula sa China.

Bukod pa rito ang nilagdaang Memorandum of Agreement kung saan 2,000 English teachers ang ipapadala ng bansa sa China.

Sa bilateral meeting ng pangulo kay Chinese President Xi Jinping napagkasunduan ng mga ito ang paglikha ng ‘framework’ para sa posiblidad na ‘joint exploration’ sa pinagtatalunang West Philippine Sea.

Napag-usapan din ng dalawang lider ang pagpapalakas ng economic ties sa pagitan ng Pilipinas at China sa kabila ng maritime dispute ng dalawang bansa.

Sa Hongkong nakipagkita si Duterte sa Filipino community doon kung saan kanyang iniulat ang ginagawa ng kanyang administrasyon sa paglaban sa droga, kriminalidad at korapsyon.

Dumating ang pangulo lulan ng Philippine Airlines flight PR 001 pasado ala una ng madaling-araw ng Biyernes.

Read more...