LRT trains, ire-rehab ng dalawang taon

Inquirer file photo

Isasailalim sa dalawang taon na rehabilitation works ang train sets ng LRT sa Hulyo, ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC).

Ngunit agad nilinaw ng LRMC na hindi maaapektuhan ang kanilang operasyon dahil mayroon pa silang 95 train sets na operational at ang mga ito ang naunang sumailalim sa rehabilitasyon noong 2007.

Sa pahayag ng LRMC, ang mga aayusin na mga train sets ay ang kanilang Generation-2 light rail vehicles na halos dalawang dekada na ang edad.

Ayon kay Rochelle Gamboa, ang tagapagsalita ng LRMC, maaring pabilisin na lang nila ang andar ng mga bibiyaheng tren para hindi humaba ang pila sa mga istasyon.

Aniya, naglaan na ng P450 milyon para sa pagsasa-ayos ng kanilang mga tren na tatagal ng hanggang 2020.

Read more...