Bagong preliminary investigation sa drug case ni Kerwin Espinosa, isinagawa

Inquirer file photo

Umusad na ang bagong simula sa drug case ni Kerwin Espinosa nang magsagawa na ng preiliminary investigation ang bagong panel of prosecutors ng Justice Department.

Humarap si Espinosa na mahigpit na binantayan ng mga tauhan ng NBI.

Samantala, hindi nakadalo sina Peter Lim at Peter Co bagama’t nagpadala sila ng kani-kanilang abogado.

Nakaharap din sa mga prosecutors ang testigo ng PNP CIDG na si Marcelo Adorco, dating tauhan ni Espinosa, ngunit wala itong kasamang abogado.

Sa simula ng panibagong preliminary investigation ay inanunsiyo ang pagkamatay ng dalawang sa mga respondents na sina Nelson Pepito at Max Miro. Ang pagkamatay ng dalawa ay sertipikado din ng PNP.

Magsisilbing abogado ng CIDG sa kaso ang Assistant Solicitor General. Inatasan ng panel ang CIDG na magbigay komento hanggang Abril 17 sa hiling ng kampo ni Lim na magkaroon siya ng hiwalay na preliminary investigation.

Kasunod nito ay ang pagsusumite ng sagot ni Lim sa Abril 23 o makalipas ang anim na araw. Itinakda ang susunod na pagdinig sa Abril 30 kung kailan inaasahan na magsusumite ang CIDG ng mga karagdagang ebidensiya at testigo sa kaso.

Read more...