2 motorcyle riders, nahulihan ng P250,000 na halaga ng shabu ng QCPD

Inquirer file photo

Arestado ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang 2 motorcycle riders na umiwas sa nakalatag na check point sa Villa Socorro, Brgy. Bahay Toro.

Nabatid na nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Talipapa Police Station ng alas-10:30 ng umaga ng sisitahin ang mga suspek na sina Emmanuel Salaza at Marvin Tiu, dahil tumatakbo sila ng walang helmet.

Sa halip na huminto ay tumakas pa ang dalawa dahilan para habulin sila ng mga pulis.

Nang mahuli na nakuha mula sa mga suspek ang isang caliber 32 beretta pistol at pitong pakete ng shabu na nasa 50 gramo.

Tinataya namang nasa P250,000 ang halaga ng shabu na nakuha mula sa kanila.

Ayon sa QCPD, asahan na ang mas mahigpit na seguridad lalo na at nalalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Nagpaaalala rin sila na kung may mga checkpoints ay sumunod na lang at huwag nang tumakas pa.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 at illegal possession of firearms.

Read more...