Indonesian national na ilang linggong nagpalutang-lutang sa dagat, nasagip

Credit Google

Nasagip ang isang Indonesian national na halos isang buwan nang nagpalutang-lutang sa mga dagat ng Pilipinas at Indonesia.

Ayon kay Brig. General Custodio Parcon, komander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, namataan ng mga mangingsida si Erens Pieter sa Barangay Manuk Mangkaw sa Simunul. Sinagip nila ang biktima dakong alas-4:00 ng hapon ng Martes.

Ayon kay Parcon, sinabi ni Pieter na nagpalutang-lutang siya ang kanyang cottage matapos kumalas ang angkla nito dahil sa lakas ng hangin noong March 19.

Nagpakilala si Pieter na tagapangalaga ng isang fish cage para kay Jaring Galilea Co. sa Rakit.

Ani Parcon, sinubukang magpasaklolo ni Pieter sa mga dumaang sea vessels ngunit tinangay siya sa dagat.

Ayon kay Parcon, nakipag-ugnayan na sila sa Interpol Tawi-Tawi at sa Indonesian Border Crossing Station para i-background check si Pieter. Wala namang criminal record ang biktima.

Binigyan na rin ng medikal na atensyon ang Indonesian national at naghahanda na ang tropa para pauwiin si Pieter.

Read more...