$141M proyektong imprastruktura, nilagdaan ng Pilipinas at China

Presidential photo

Hindi bababa sa $141 milyong halaga ng proyektong imprastruktura ang iuuwi ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang pagbisita sa China.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, nilagdaan ang dalawang kasunduan sa Hainan, China noong Lunes.

Nilalaman nito ang $62 milyong Preferential Buyer’s Credit Loan Agreement at $79 milyong Agreement on Economic and Technical Cooperation.

Popondohan ng buyer’s credit ang Chico River Pump Irrgation Project na ipatutupad ng National Irrgation Administration.

Sakop naman ng Agreement on Economic and Technical Cooperation ang proyekto sa mga tulay na Binondo-Intramuros at Estrella Pantaleon sa Metro Manila, at ang Feasibility study sa Davao City Expressway project ng Department of Public Works and Highways.

Popondohan din nito ang radio at broadcasting equipment ng Presidential Communications Operations Office at ang Philippine-Sino Center for Agricultural Technology-Technical Cooperation Program Phase III ng Department of Agriculture.

Read more...