Grab, pinagpapaliwanag ng LTFRB sa P2 singil sa kada minuto ng byahe

Inquirer file photo

Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operator ng Grab Philippines na MYTAXI.PH Inc. sa umano’y overcharging ng dalawang piso sa kada minuto ng travel time.

Binigyan ng LTFRB ng limang araw ang Grab mula nang matanggap nito ang kautusan para ipaliwanag kung bakit hindi dapat kanselahin o suspendihin ang Certification of Accreditation nito bilang isang Transportation Network Company kaugnay ng usapin.

Sumisingil ng dalawang piso kada minuto ng byahe ang Grab nang wala umanong permiso ng ahensya.

Ang dalawang piso kada minuto ay dagdag pa sa P40 na flagdown rate, at P10 hanggang P14 sa kada kilometro sa mga pasahero.

Pinadadalo rin ng LTFRB ang Grab sa pagdinig sa Martes.

Read more...