21 drug peddlers kasama ang 1 ex-BJMP officer, arestado ng PNP sa Central Luzon

Credit: Google

Sa kulungan ang bagsak ng 21 katao kabilang na ang isang dating BJMP officer sa magkakahiwalay na operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa Central Luzon.

Siyam sa mga naaresto ay galing Bulacan na nakilalang sina; Ronnie Villaraza, Jerrlyn Tolentino, Mae Carla Delimios, Ryan Lopez, Michael Esteban, Jaime Socaire, Edwin Reyes, Barry Pineda, at Jose Vallesan.

Nakuha mula sa mga suspek ang 28 pakete ng hinihinalang shabu na nasa 36 gramo at may street value na P152,000 at limang pakete ng dried marijuana leaves.

Samantala, nahuli naman sa Nueva Ecija ang dating BJMP personnel na nakilalang si Bernard Afable.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong RA 9165.

Read more...