Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Public Attorney’s Office chief Persida Rueda Acosta na ito ang dahilan kaya sa mga isinampa na nilang mga kaso kaugnay sa isyu ay hindi kasama sa kinasuhan si Ubial.
Hindi rin nila isinama sa mga kinasuhan si dating Health Sec. Enrique Ona dahil wala naman siyang kinalaman sa kontrata.
Kuntento naman ang PAO sa nilalaman ng draft report ng Senate Blue Ribbon Committee ni Senator Richard Gordon.
Ayon kay Acosta, naging tumugma ang kanilang resulta ng patuloy nilang imbestigasyon sa nilalaman ng report ng komite na nag-imbestiga sa isyu.
Maging ang mga pamilya na namatayan ng batang naturukan ng bakuna ay masaya aniya sa committee report.