Albay, niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang Rapu-Rapu, Albay, Huwebes ng umaga.

Naitala ng Phivolcs ang lindol alas 6:54 ng umaga at ang epicenter nito ay sa 9 kilometers South ng Rapu-Rapu.

Ayon sa Phivolcs may lalim lang na 7 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Dahil sa nasabing pagyanig, natiala ng Phivolcs ang Intensity II sa Sorsogon City.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...