3 patay, 4 sugatan sa aksidente sa Bacolod City

Patay ang tatlong pasahero ng tricycle habang sugatan ang tatlong iba pa sa aksidenteng naganap sa Bacolod City, Negros Occidental kaninang madaling araw.

Ayon kay SPO2 June Garong ng Bacolod City Police Office 4 ang mga nasawi ay sina Erlinda Villar, Melinda Disoro, at Rodelyn Nasis.

Nabangga umano ng isang Ford Eco Sport ang sinasakyang tricycle ng mga biktima habang binabagtas ang BS Aquino Drive sa Barangay Villamonte.

Sa insiyal na imbestigasyon, pito ang sakay ng tricycle at papauwi sa kanilang bahay galing sa ospital ng maganap ang aksidente.

Patuloy pa ang pagsisiyasat ng pulisya hinggil sa pangyayari.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...