Batay sa daily operations report ng MRT-3, umabot sa labinganim ang average number of trains na napabiyahe kahapon.
Nakapag-deploy din sila ng hanggang labingpitong tren dakong alas 9:00 ng gabi.
Nakasaad din sa report na umabot sa 4,950 kilometers ang naitalang total distance travelled ng mga tren.
Habang wala namang naitalang unloading incidents at skipping trains.
Ngayong umaga, sinabi ng MRT-3 na ganap na alas 7:00 ng umaga ay umabot na sa 16 ang umaandar ng tren.
MOST READ
LATEST STORIES