Summer season panandalian lang; hanging habagat maagang papasok sa bansa

Matapos ang kakaanunsyo pa lamang na pagsisimula ng dry season o tag-init ay maaaring magtapos agad ito at hindi tatagal ng dalawang buwan ayon sa PAGASA.

Ayon sa weather bureau, inaasahan kasing papasok na ang southwest monsoon o hanging habagat sa ikatlong linggo ng Mayo.

Ang habagat ang hangin na nagdadala ng pag-uulan sa bansa.

Sinabi ng weather bureau na tulad noong nakaraang taon na maagang pumasok ang habagat ay nagtapos din agad ang dry season.

Noong 2017 ay idineklara ang tag-init noong April 5 habang pumasok ang habagat noong May 24.

Pinapayuhan naman ng PAGASA ang publiko na magdala ng payong bunsod ng mga isolated rainshowers na maaaring maranasan sa hapon o gabi kahit na nasa kasagsagan ng summer season ang bansa.

Maari naman umanong pumasok sa bansa ang isang bagyo para sa buwan ng Abril.

Read more...