Nadagdagan pa ang miyembro ng binuong Consultative Committee (ConCom) na inatasang i-review ang mga probisyon ng 1987 constitution.
Ito ay matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sina dating Philippine Navy Commodore Rex Cambronero Robles at Atty. Jose Martin Azcarraga Loon sa nasabing consultative body.
Mapapabilang na si Robles at Loon sa 20 pang indibidwal na nauna nang pinangalanan at itinalaga ng pangulo na inatasang pag-aralan ang mga panukalang nais amyendahan ang konstitusyon tungong federalismo.
Noong December 2016 nang lagdaan ni Duterte ang Executive Order No. 10 na bumuo sa ConCom at magkakaroon nang hindi lalampassa 25 miyembro.
Si dating Chief Justice Reynato Puno ang itinalagang Chairperson ng ConCom.
MOST READ
LATEST STORIES