Lady Tamaraws tinalo ang Lady Warriors sa UAAP Season 80 women’s volleyball

Lalong napalapit sa twice-to-beat advantage ang koponan ng Far Eastern University (FEU) matapos nitong talunin ang University of the East (UE) sa kanilang naging tapatan para sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament na ginanap sa Filoil Flying V Centre.

Natapos ang laro sa iskor na 25-17, 25-15, at 25-20, pabor sa Lady Tamaraws.

Dahil dito ay umangat sa 9-4 ang win-loss record ng FEU at kasalukuyang nasa ikalawang pwesto sa standings, kasama ang koponan ng Ateneo de Manila University (AdMU) Lady Eagles.

Ayon kay Lady Tamaraws coach George Pascua, target nila ang makuha ang twice-to-beat advantage na magsisilbing reward nila sa kanilang mga sarili para sa magandang performance ngayong season.

Nananatili namang nasa huling pwesto ang Lady Warriors sa kanilang 2-11 win-loss record.

Pinangunahan ni Celine Domingo ang FEU sa pamamagitan ng kanyang 16 points. At para sa UE, kapwa nagtala ng 11 points sina Mary Ann Mendrez at Shaya Adorador.

Read more...