P2 kada minutong dagdag-singil ng Grab alam ng LTFRB

Itinanggi ng Grab Philippines na iligal nilang sinisingil ang kanilang mga pasahero sa dagdag na dalawang piso kada minuto ng travel time.

Ayon sa Grab, alam ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang istraktura ng kanilang pamasahe at presyo.

Sa isang statement ay itinanggi ng pinuno ng Public Affairs at tagapagsalita ng kumpanya na si Leo Gonzales ang alegasyon ni PBA Representative Jericho Nograles na hindi alam ng LTFRB ang dagdag na charge.

Ayon kay Gonzlaes, pinayagan ang mga transportation network companies (TNCs) na magtakda ng sariling fares kaya noong June 2017 ay sinimulan ng Grab na maningil ng dagdag na 2 pesos per minute na isinama sa umiiral nilang per kilometer charge at hindi kasama sa upfront fares.

Ang per minute charges anya ay ipinatupad para tiyakin na sa kabila ng isyu ng madaming transport companies ay mas malaki ang tsansa ng grab drivers na makaagapay ang kanilang kita.

Read more...