Red tide warning itinaas sa Surigao del Sur

Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkuha at pagkain ng mga shellfish mula sa Lianga Bay sa Surigao del Sur matapos makitaan ng red tide ang nasabing lugar.

Ayon sa bulletin na inilabas ng BFAR sa kanilang official website, bawal kainin ang anumang uri ng shellfish mula sa Lianga Bay, maging ang alamang.

Paglilinaw naman ng kagawaran, maaaring kainin ang mga mahuhuling isda, pusit, hipon, at alimango ngunit kailangan muna itong linisin at lutuing mabuti.

Paalala pa ng BFAR, dapat tanggalin ang mga lamang loob ng mga isda bago iluto.

Dahil sa nasabing warning ay posibleng maapektuhan ang kabuhayan ng mga mangingisda sa lugar na kinukuha ang kanilang mga ibinibentang shellfsih at isda sa Lianga Bay.

Read more...