Tinupok ng apoy ang isang apartment building sa Barangay 159, Caloocan City.
Ayon sa Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP), umabot lamang sa unang alarma ang sunog na sumiklab bandang 11:18 ng gabi.
Pag-aari ng isang Arlene Saldaña ang kabuuan ng apartment na mayroong tatlong units na pawang okupado ng tatlong pamilya.
Ayon kay Senior Inspector Pila ng Caloocan Fire Department, aabot sa P150,000 ang pinsala dahil sa naturang pagliliyab.
Wala namang naitalang nasugatan o namatay dahil sa insidente.
Alas-12:41 ng madaling araw nang ideklarang fireout ang sunog.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pinagsimulan ng apoy.
MOST READ
LATEST STORIES