Warehouse nasusunog sa Pasig City

Patuloy na inaapula ng Pasig Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog na sumiklab sa isang warehouse sa Barangay Buting.

Sa ngayon ay under control na ang pagliliyab, ngunit umabot ito sa ikalawang alarma.

Pawang mga kagamitan sa bahay ang laman ng warehouse ng PKSS Enterprise Inc, at sa ikalawang palapag nito ang opisina ng kumpanya.

Kwento ng isang factory worker ng katabing warehouse, nakarinig sila ng dalawang malakas na pagsabog mula sa gusali ng PKSS Enterprise bandang alas-9 ng gabi at nang lumaon ay nakita na nilang nagliliyab ang warehouse.

Hindi pa batid sa ngayon kung magkano ang kabuuang danyos na idinulot ng naturang sunog.

Read more...