Sinabi ni dating Budget Secretary Butch Abad na walang basehan ang rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na kasuhan siya kaugnay ng Dengvaxia controversy.
Ayon kay Abad, hindi pa niya nakikita ang draft report ng komite ni Senador Richard Gordon pero para sa kanya ay walang basehan na sampahan sila ng kaso.
Nakasaad sa draft committee report na nagsabwatan umano sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Secretary Janette Garin at si Abad sa mass vaccination program gamit ang Dengvaxia.
Bago ito ay ilang beses nang itinanggi ni Abad na may anomalya sa pagbakuna sa mga kabataan sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Itinanggi rin ng dating kalihim na minadali at may iregularidad sa paglabas ng pondo pambili ng Dengvaxia.
MOST READ
LATEST STORIES