Sereno nagbabala sa epekto ng quo warranto petition sa nakaupong CJ

Nanawagan si Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno sa mga abogado na manindigan laban sa anya ay nakaambang kasamaan.

Sa kanyang talumpati sa Philippine Bar Association, nagbabala si Sereno sa anya ay masamang epekto kapag napagbigyan ang quo warranto petition laban sa nakaupong chief justice.

Sinabi ni Sereno na kung nagawa ito sa kanya na punong mahistrado ay pwede rin itong gawin sa sinumang abogado o sa kanilang kliyente.

Paliwanag ng punong mahistrado, anumang kaso laban sa gobyerno ay mauuwi lang sa settlement dahil sa anya ay tabak ng demonyo sa buong hudikatura.

Kung makikipagtulungan anya ang Korte Suprema sa hakbang ng ehekutibo na mapatalsik siya, ito anya ay katulad sa sinabi ni dating Chief Justice Hilario Davide na isa itong hara kiri o kamikase o suicide para sa hudikatura pati sa Konstitusyon.

Read more...