Joint oil exploration sa West Philippine Sea pinag-usapan nina Duterte at Xi Jinping

AP

Inamin ng Malacañang na pinag-usapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping ang posibilidad ng joint offshore oil and gas exploration sa West Philippine Sea.

Nakapaloob dito ang pag-uugnayan ng mga pribadong kumpanya na mula sa dalawang bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na naging sentro ng pag-uusap ang nasabing isyu sa sideline ng Boao Business Forum sa China kung saan ay present ang nasabing dalawang lider.

Nagkasundo rin sina Duterte at Xi na pagtutuunan ng pansin ng China at Pilipinas ang pagpapatatag ng ugnayan at komunikas sa dalawang bansa para sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga pinag-aagawang mga isla.

Ang pangulo nasa Hong Kong na sa kasalukuyan at bukas ay inaasahan ang kanyang pakikipag-pulong sa mga Overseas Filipino Workers sa lugar.

Nauna nang sinabi ni Duterte na bitbit nya sa pagbabalik sa bansa ang ilang mga investments na ipinangako ng ilang mga Chinese business leaders na dumalo sa nasabing forum.

Read more...