Hindi na matuntuon ang tatlo sa 12 wetlands ng isla ng Boracay ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ang wetlands ay bahagi ng lupa na nagsisilbing catch basin para maiwasan ang pagbaha.
Ayon kay DENR Biodiversity Management Bureau Director Teresa Mundita Lim, isa sa mga nagiging sanhi ng pagbaha ay ang pagtambak sa wetlands.
Sinabi ni Lim na batay sa kasaysayan, umaabot sa 12 wetlands ang natukoy sa Boracay pero noong 2008 ito ay naging siyam lamang ayon pa rin sa ulat ng DENR.
Noong nakaraang buwan, isiniwalat din ni DENR Secretary Roy Cimatu na sa nalalabing siyam na wetlands sa isla, apat dito ang inokupahan na ng mga negosyante.
Inihain na rin noong Marso ang 200 notices of violation, cease and desist orders at demolition notices ang inilabas sa 100 illegal settlers, isang mall at isang hotel sa wetlands ng Boracay.