Wala pang napupusuan si incoming Philippine National Police (PNP) Chief Director Oscar Albayalde na susunod sa kanya bilang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ayon kay Albayalde, nasa vetting process pa o pinagpipilian pa kung sino ang posibleng ilagay sa pwesto.
Ipinahayag ni Albayalde na marami siyang bagay na dapat irekonsidera pero bago pa man daw siya maging hepe ng PNP ay may maitatalaga nang bagong hepe ng NCRPO.
Dagdag ni Albayalde, hindi siya magpapatupad ng malaking balasahan oras na maging hepe siya ng PNP.
Aniya, kinakailangan muna ng assessment at deliberasyon ng oversight committee kung kinakailangan
itong gawin.
Si Albayalde ay nakatakdang umupo bilang hepe ng PNP sa April 19.
Si outgoing PNP Chief Ronald Dela Rosa ay nauna nang napaulat na itatalaga ng pangulo bilang bagong pinuno ng Bureau of Corrections (Bucor).