USS Theodore Roosevelt nasa bansa para sa port visit

FB Photo

Dumating sa bansa para sa isang port visit ang aircraft carrier na USS Theodore Roosevelt.

Lulan ng nasabing barko ang Carrier Air Wing (CVW) 17 at guided-missile cruiser na USS Bunker Hill (CG 52) nang dumating ito sa Maynila.

Ayon kay Rear Adm. Steve Koehler, commander, Carrier Strike Group (CSG) 9, matagal nang bahagi ng U.S Navy history ang Pilipinas at umaasa sila sa patuloy na maayos na relasyon at ugnayan ng dalawang bansa.

Bahagi ng port visit ang paglahok ng mga sailors at marines ng US sa cultural exchanges, community relations events, at Morale, Welfare and Recreation (MWR)-sponsored tours.

Sinabi ni Capt. Carlos Sardiello, commanding officer ng USS Theodore Roosevelt, marami sa kanilang mga tauhan ay may ugnayan sa Pilipinas, katunayan, mayroon aniyang ilang rough riders nila ang mula sa Pilipinas at mayroong pamilya dito.

Pagkatapos ng pagbisita sa Pilipinas, ang barko ay magpapatuloy sa Western Pacific deployment nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...