Paglimita sa dami ng turista sa Boracay pag-aaralan ng DENR

Ikinukunsidera ng gobyerno ang paglilimita sa dami ng mga turista sa isla ng Boracay oras na matapos na ang paglilinis dito.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Jonas Leones, inatasan ang kagawaran na tukuyin ang carrying capacity ng isla.

Aniya, ilalabas ng DENR ang magiging resulta nito sa katapusan ng buwan.

Paliwanag ni Leones, ang carrying capacity ang magsisilbing batayan ng limit at threshold ng isla.

Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, kapag puno na ang bookings sa Boracay, kinakailangang maghintay ng turista para mag-book sa susunod na araw.

Samantala, umaasa naman si Teo na mapapaiksi sa apat na buwan mula sa anim na buwan ang pagsasara at paglilinis sa Boracay.

Ang Boracay ay tanyag sa pinong puting buhangin nito.

Isasara ito sa mga turista simula April 26 para linisin ito dahil sa problema sa sewerage system.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...