1 preso ang patay, 3 pa ang isinugod sa ospital makaraang mawalan ng malay sa Caloocan City jail

Noel Celis/Agence France-Presse

Apat na mga bilango sa Caloocan City jail ang kinailangang isugod sa Caloocan Medical Center, matapos na mawalan ng malay.

Martes ng gabi tatlong preso ang dinala sa emergency room ng pagamutan makaraang mangitim, mawalan ng malay at halos hindi na humihinga.

Miyerkules naman ng umaga, isa pang bilanggo din ang nahirapang huminga at isinugod sa ospital. Pero idineklarang dead on arrival ang preso na nakilalang si Nelson Sildora.

Ang siksikang selda ang tinitignang dahilan kung bakit nawalan ng malay ang mga preso.

Sa ngayon kasi nasa 170 na bilanggo ang nakakulong sa selda pero nasa 70 lang umano ang kapasidad nito.

Samantala, mayroon pang apat na preso pang may sakit ang ibinukod na sa pangambang mahirapang ring huming sa init ng panahong nararanasan.

Karamihan sa mga nahirapang huminga ay may sakit na pigsa at high blood at may kasong may kinalaman sa droga at sugal.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...