Jeepney driver na peke ang lisensya natyempuhan ng I-ACT sa Parañaque

DOTr Photo

Nagsagawa ng operasyon ang Inter-Agency Council for Traffic o i-ACT sa Sucat, Parañaque City.

Bahagi ang operasyon ng Tanggal Bulok Tanggal Usok campaign ng i-ACT.

Sa kasagsagan ng operasyon, pinara ng mga otoridad ang isang pampasaherong jeep na biyaheng Baclaran – Sucat para suriin kung maayos pa itong nagagamit.

DOTr Photo

Nang tignan ang lisensya ng driver, natuklasan ng i-ACT na peke ang gamit nitong lisensya.

Aminado naman ang driver na 2009 pa napaso ang kanyang lisensya.

May ipinatong sa expired niyang lisensya at pinalabas na 2022 pa expiration nito.

Papatawan ng karampatang parusa ang naturang driver dahil sa pamamasada ng peke ang gamit na lisensya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...