Zambales at Abra, niyanig ng lindol

Magkasunod na pagyanig ang naitala ng Phivolcs sa lalawigan ng Zambales at Abra.

Unang naitala ang magnitude 3.2 na lindol sa bayan ng Palauig sa Zambales ala 1:41 ng madaling araw kanina.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim ng 23 kilometers.

Samantala, a;as 3:31 naman ng madaling araw nang tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa bayan ng Malibcong sa lalawigan ng Abra.

Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa 3 kilometers North ng Malibcong.

Kapwa naman hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang pagyanig.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...