Bahagi ng QC at Taguig mawawalan ng suplay ng tubig

Makararanas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Quezon City at Taguig City.

Batay sa abiso ng Maynilad dahil ito sa isasagawa nilang maintenance activities.

Sa Quezon City alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng madaling araw bukas ang water interruption sa Brgy. Greater Lagro.

Samantala, mawawalan din ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Quezon City at Taguig na sineserbisyuhan naman ng Manila Water.

Mula alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang alas 5:00 ng umaga bukas, mawawalan ng suplay ng tubig ang mga sumusunod na lugar:

 

 

Ito ay dahil sa line maintenance activities ng Manila Water sa Masaya Street kanto ng Commonwealth Avenue.

Sa Taguig City naman, alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw bukas mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Barangay Bagumbayan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...