Pilipinas at mga Chinese companies, lumagda sa multi-bilyong pisong proyekto

Tinunghayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglagda ng Pilipinas at ng mga Chinese companies sa mga Memorandum of Understanding (MOU) at business letters of intent (LOIs).

Naganap ang lagdaan matapos himukin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mamumuhunang Chinese sa kanyang talumpati sa pagsisimula ng Boao Business Forum for Asia sa Hainan, China.

Sa kanyang talumpati ay pinagmalaki ng pangulo na magandang lugar ang Pilipinas para mamuhunan dahil pinadali ang sistema ng pagnenegosyo.

Ang mga Chinese Companies na lumagda sa mga kasunduan ay ang China Green Agriculture Group, East-Cloud Biz Travel Ltd., China National Heavy Machinery Corp., Shanghai Shinehigh Biotechnology Ltd. and Zheijiang Dongyang Jinxin Chemical Corp., Sino Building Material Groups, Shanghai GeoHarbour Group, Jovo Group Co. Ltd., Zongfa Group at Hoacheng Group.

Ayon sa pangulo, masaya siya sa naging paglagda sa mga MOU at LOI dahil nagpapakita ito ng mas lumalalim na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at China.

Umaasa anya siya na ang malusog na kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon ay magpapatuloy.

Sisiguruhin din anya ni Duterte na pagagandahin pa ang klima ng pagnenegosyo sa bansa sa pamamagitan ng paglaban sa korapsyon.

Read more...