Grab driver na sinubukang mag-overcharge sinuspinde

Suspendido ngayon ang prangkisa ng isang Grab driver matapos nitong singilin ng mas malaki sa orihinal na presyo ang nag-book sa kanyang pasahero.

Ibinahagi ng netizen na si Lara Shellene Capitulo-Malunas sa kanyang social media account ang kanyang naging karanasan nang ibook niya ang Grab driver na si Cruzaldo Omolon Francisco, Jr.

Sa post ni Malunas ay naka-screeshot ang kanilang pag-uusap ng driver.

Mababasa na P200 ang orihinal na pamasahe ni Malunas ngunit sinisingil siya ng driver ng karagdagang P50.

Nang hindi pumayag si Malunas ay nagalit pa si Francisco at sinabing maski sa tricycle o regular na taxi ay hindi papayag na magpabayad ng P200 lamang.

Ayon sa pamunuan ng Grab, sinabihan na nila si Francisco na magreport sa kanilang opisina para sumailalim sa training.

Ayon naman kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) board member Aileen Lizada, naka-hold na ang prangkisa ng nasabing driver.

Read more...