Menor de edad na ginagawang drug courier ng ina, nailigtas sa Pampanga

Na-rescue ng mga otoridad ang isang 13 taong gulang na binatilyo na ginagamit umanong drug courier ng kanyang ina sa Minalin, Pampanga.

Ayon kay Chief Inspector Pear Joy Gollayan ng Minalin Municipal Police, nagkasa sila ng buy bust operation sa Barangay San Isidro sa nasabing bayan na nagresulta sa pagkakaaresto ng ina ng bata at ng dalawang lalaking nakilalang sina Jayson at Albert Navarro.

Narekober ng mga otoridad ang 40 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at P14,000 cash mula sa bahay ng babaeng suspek.

-alaman ng mga otoridad na ginagamit ng suspek ang kanyang anak para magdala ng iligal na droga sa kanyang mga kliyente. Dahil dito ay mahaharap ang babaeng suspek sa kasong child abuse and neglect, bukod pa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kasama sina Jayson at Albert Navarro.

Read more...