MRT-3 nakapag-deploy ng 17 tren

Ipinagmalaki ng Department of Transportation ang pag-akyat pa ng bilang nga mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 ang umaandar.

Ayon sa DOTR, alas-sais singkwenta araw ng Martes umakyat na sa 17 tren ng MRT 3 ang tumatakbo.

Dahil dito, asahan na anila ang mas mabilis at hindi siksikang byahe ng mga pasahero ng MRT 3.

Huling nakapag-deploy ng 17 tren ang MRT 3 noon pang November 16 nang nakalipas na taon.

Read more...