Pangulong Duterte personal na binati si Xi Jinping sa kanyang reelection

INQUIRER File Photo

Masayang binati ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese President Xi Jinping sa kanyang reelection.

Sa opening remarks ng pangulo para sa bilateral meeting kasama si Xi ay sinabi ng pangulo na masaya siya para sa reelection nito bilang pangulo ng People’s Republic of China.

Ayon sa pangulo, masaya rin siya na napanatili ng dalawang mga bansa ang magandang ugnayan at naiangat pa ito sa masmataas na lebel ng pagkakaibigan.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay na-reelect si Xi matapos magbotohan ang parlyamento ng China.

Samantala, noong Lunes naman ay nagpahayag si Duterte ng kanyang pagkagiliw sa pangulo ng China. Dahil aniya naiintindihan siya ni Xi at handa itong tumulong sa kanya at sa Pilipinas.

Read more...