Sa oral arguments sa quo warranto case na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban kay Sereno, napuna ni Tijam ang insinuation ni Sereno na hindi magtatagumpay ang kasamaan at tila pinalalabas nito ang isyu ng moralidad.
Paglilinaw ng mahistrado, ang mga miyembro ng Korte Suprema ay magdedesisyon batay sa iprinisintang ebidensya at hindi dahil may laban sa pagitan ng kabutihan at kasamaan.
Isa si tijam sa limang mahistrado na nais ni sereno na mag-inhibit sa
Pagdinig ng quo warranto petition laban sa kanya dahil tumestigo ang mga ito laban sa kanya sa impeachment proceedings sa kamara.
Pero tinanggihan ni tijam ang mosyon ni sereno laban sa kanya.
Sinabihan pa nito ang punong mahistrado na wala siyang sinabi na
Lumabag ito sa konstitusyon sa pagtanggi sa pagtestigo sa kamara kundi mandato ni sereno na maging bahagi ng constitutional proceedings.