Ito ay matapos ipag-utos ng Sandiganbayan 6th Division ang pagpapakulong sa mga ito dahil sa kasong plunder na non-bailable offense.
Nasa gusali ng Sandiganbayan sina Argosino at Robles nang ipag-utos ang pagpapalabas ng arrest order sa mga ito matapos kakitaan ng probable cause ang kanilang kaso para magbayad ng pyansa para sa mga kasong graft, direct bribery at paglabag sa Presidential Decree No. 46 na nagbabawal sa mga public officials na tumanggap ng regalo.
Kasama rin sa ipinapaaresto ng Anti-Graft Court para sa kasong plunder ang sinasabing middleman na si Wenceslao Sombero Jr.
Naglabas din ng arrest warrant ang korte para kasong paglabag sa PD 46 ang Macau-based tycoon Jack Lam na may nakarekomendang pyansa na P10,000 para sa kanyang pansamantalang Kalayaan.
Sina Argosino at Robles ay ikakusahan nang pangingikil ng P50 million kay Lam noong November 27, 2016 kapalit ng Kalayaan ng 1,316 Chinese nationals na nagtatrabaho dito ng walang visa.
Isinoli ng mga to ang sinasabing bribe money pero kulang ito ng P1,000.