Wala nang balak pa ang Malacañang na patulan ang hirit ni Sen. Antonio Trillanes IV na imbestigahan sa Senado ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na isara ang Boracay island ng anim na buwan simula sa April 26.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw ang utos ng pangulo na isasara ang Boracay para bigyang daan ang paglilinis sa isla dahil sa hindi maayos na sewerage at drainage system.
Iginiit pa ni Roque na hindi na mababago pa ang pasya ng pangulo na isara ang Boracay sa mga turista at walang papayagang casino facility sa isla.
Una rito, duda si Trillanes sa pahayag ng pangulo na hindi niya papayagan ang pagtatayo ng casino dahilmnakipagkita umano ang punong ehekutibo noong Disyembre sa may-ari ng casino facility na planong itayo sa isla ng Boracay.
Nabigyan din umano nitong buwan ng Marso ng lisensiya ang nasabing casino owner mula sa Pagcor.