Malacanang hindi magpapatangay sa hirit ng MILF na madaliin ang BBL

BBL1
Inquirer file photo

Hindi pa napapanahon na madaliin ang kongreso na ipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma Jr., premature pa ang panukala ng ilang kampo na i-certify na urgent bill ang nasabing panukala.

Ipinaliwanag ni Coloma na hindi dapat pangunahan ang mga mambabatas sa nasabing isyu dahil kasalukuyan pang nasa proseso ng interpelation ang BBL.

May mga kampo na nangangamba na baka hindi maihabol ang BBL sa loob ng termino ni Pangulong Noynoy Aquino dahil sa mabagal na pag usad nito sa kongreso.

Kahapon ay personal na umapela sa Pangulo si Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chief Negotiator Mohagher Iqbal na dapat paki-alaman na ng personal ang nasabing panukala para ma-obliga ang mga mambabatas na madaliin ang BBL.

Ipinaliwanag ng nasabing opisyal ng MILF na ang BBL lamang ang siyang natitirang opsyon para sa tunay na kapayapaan at kaayusan sa buong Mindanao region.

Read more...