DOLE naglaan ng pondo para sa mga empleyadong apektado ng El Nino

philippine-peso
Inquirer file photo

Naglaan ang Department of Labor and Employment ng halos P650-M bilang Emergency Employment Fund para tulungan ang mga mang-gagawa na apektado ng El Nino Phenomenon.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, batid nila na matindi ang epekto ng El Nino sa industriya ng pagsasaka sa bansa.

Mula sa Emergency Eemployment Fund, P316-Million ay inilaan para sa huling bahagi ng taong kasalukuyan taon habang ang nalalabing mahigit sa P300M ay handa namang ipamahagi ng DOLE sa unang bahagi ng 2016.

Kabilang sa mga makikinabang sa naturang programa ay ang mga mang-gagawa mula sa informal sector, mga farm laborer at maging iyong mga nasa formal sector na kinabibilangan ng mga manggagawa sa agricultural at agri-business at mga plantation workers.

Ang mga benepisyaryong mang-gagawa ay pagkakalooban ng pansamantalang trabaho at bibigyan ng sahod na katumbas ng minimum wage na umiiral sa kanilang lugar.

Bukod sa sahod, pagkakalooban din ang mga manggagawa ng group accident insurance at personal protective equipment. Nakikipag-ugnayan na umano ang DOLE sa National Irrigation Administration para tukuyin ang mga manggagawa na magiging benepisyaryo ng programa.

Read more...