Isa sa mga suspek sa pagpatay sa miyembro ng Maskulados Dos nadakip

ozu-ong1
Inquirer file photo

Noon pang nakaraang buwan ng Setyembre ay hawak na ng mga otoridad ang isa sa mga suspect sa pagpatay kay Marcelo Ong alias Ozu Ong na miyembro ng all-male Dance group na Masculados Dos.

Base sa impormasyon mula sa Calabarzon Police Office, noon pang Setyembre katorse nasa kustodiya ng Dasmarinas City Police sa Cavite si Kristopher Kyle Ernie kaugnay naman sa pagpatay sa isang seaman na nakilalang si John Ernest Agbayani.

Inaresto si Ernie kasama ang tatlo pang suspek dahil sa pag-iingat ng shabu at gamit nila ang sasakyang Subaru Forester wagon ni Agbayani na napaulat na nawawala noong Agosto 16.

Dalawang araw makaraang mai-report sa PNP ang pagkawala ng biktima ay nakita sa isang liblib na lugar sa Tagaytay City ang kanyang bangkay. Sina Ong at Agbayani ay kapwa residente ng Angono Rizal.

Sa presensiya ng kanyang abogado inilahad nito ang kanyang naging partisipasyon sa pagpatay kay Ong kasama sina Jaime Ilano na sinasabing bumaril sa miyembro ng Masculados Dos.

Sinabi pa ni ernie na kasama din nila sa pagpatay kay ong si Paulo Hernandez na aniya’y isang call center agent at suspek din sa pagpatay kay Agbayani.

Samantala, base sa resulta ng ballistic examination sa Bersa Caliber 45 pistol na narekober sa Dasmarinas City kasama ang iba pang personal na gamit ni ong, lumalabas na ito ang ginamit sa krimen matapos na rin ikumpara sa bala na nakuha pa sa katawan ng biktima.

Sasampahan naman ng mga panibagong kaso ng Murder at Carnapping sina Ernie at Hernandez bunsod nang pagpatay nila kay Ong at pagtangay din sa Toyota Hilux pick-up ng biktima.

Read more...